Sunday, July 10, 2011

Hello Lara Jean! :*

So ngayon lang ako nakablog ulit, hahaha. Hello Lara Jean kasi yung happenings sa birthday niya ang ilalagay ko dito. HAHAHAHA. Diba Duday? So humabol lang talaga ako sa kanila. Kasi 6pm yung start nung celebration nya. E ako naman hanggang 7:30 pa class. ZZZZZZZZZ. O kamusta naman diba? One good thing Sir Nunez dismissed the class by 6:30. I guess? Di ko na matandaan e. So ayun, e sa SM North yun. So nag mrt ako papunta. Pero grabe! Ang haba ng pila. Duskong buhay talaga! E di yun, sabi ko pagtitiisan ko na lang. Makapunta lang kay Lara. Ayoko kasi maging unfair e. Sya nagpunta nung birthday ko, ako hindi. Diba? So sige, tiis lang. E tong si Ken, wagas makatext kung san na daw ako, tatawag pa. Nakakarindi! Tapos sabi ko pag tong pila di gumalaw, nako. Magbu bus na lang ako. Suddenly, may tumawag sakin, sabi.. JHOOOOOOO! Yun pala si Aila, nasa Farmers, Nakita akong nakapila. Sabi nya san ka pupunta? Sabi ko SM North, sabi nya mahaba daw talaga pila, mag bus na lang tayo. At dun din naman daw sya sasakay.

Yung nasakyan pa naming bus, ubod ng baaaagaal! Sabo ko kay Aila, pasensya ka na ha, ang dami kong reklamo, ayaw ko lang malate talaga. Well in fact, late na ako talaga! Zzzzz. Nakarating na ako mga 8. Kamusta naman dibaaaa? Hahahaha, yun tinawagan na nako ni Ken. Tapos nagbyeii na ako kay Ailabels! Thankyou Ailabels if mabasa mo to! Mwaaah. :*

At eto, nakita ko na si Ken. Sinapak ko nung nakita ko sya. HAHAHAHAHA. Nung nakita nila ako, wagas mga smile nila. Happy ako kasi nakita ko sila after 4 months. Hehehehe. Ayun, akal nila girlfriend ako ni Ken. Leche kasi, wagas makatawag e.


Eto si Lara Jean, at ang kanayang date na si Russell. :) Hihi. Joke lang duday. :)


From L-R Charrie, Princess, and Angel. :) Wala pa rin pinagbago, maliban kay Cess, tumaba naman sya. HAHAHAHAHA.


Si Miho, si Melvin ni Labs ko, ( Boyfriend nya. ) And myLabs Rhea. ♥ E di sila na sweet. :)


Tapos si Kim, Paul, Miho, Melvin and Labs. :">

At eto, ang bestfriend kong wagas makatawag at makatext. Out muna kami sandali dun sa table, kasi nilibre nya ako ng favoritem kong sundae at spag. :) Bestfriend ko lang po si Ken. Akala kasi ng iba BF ko e, Ay oo, bestfriend nga. :) Hello Mr. Fujioka. :)


Tapos that day, kaya pala gusto nya ako pumunta, kasi may sasabihin sya sa akin. Na pupunta na sya ng ng Japan para mag work. Tapusin lang nya studies nya dito. Tapos gorabels na sya. Ang lungkot lang. ;(
Tapos sabi nya, " Dude, pag nagkawork na ako, bibilan kita ng iPad. Ksi mura lang gadgets dun. :) " As if naman na maaalala mo pa ako pag nandi=un ka sabi ko, sabi nya naman! Mamimiss kita. Ako lang kasi bff nya e. WEH? hahahahahaha.

Ang saya kong nakita ko ulit sila. :) 


Miss na miss ko na kayo ulit. ;(


Next time ulit ha? San kumpleto na. ;)


Yung hindi lang itong 4 ang palagi kong nakikita. HAHAHAHAHAHA.


At hindi lang tong lalaking to ang nakakasama ko. HAHAHAHAHA. Love much 4A. :) TILL NEXT TIME. :*