Saturday, December 17, 2011

Tricycle ka ba?

This is the one of the notable pick up lines by Issay Galoso. Hahahaha. Pa special mention ka pa dito Issay ha. I remember, last week we, (Jennie, I, Marni, Poleng, Issay, Dianne, Mami Yan, Lovelyn, Reese, Culver, Ed, and Jamie) went to the accounting office to settle our unused laboratory fee in Broadcast Journalism last semester. E di nagform kami ng line and soon after nawala kasi nagkwentuhan kaming lahat while scanning our Id's. E di si Ma'am Accounting naghahand ng  statement of accounts namin, tapos exchange of pick up lines si Jennie and Issay, nakisama si Culver, tapos lahat na nakisali. Well I hope Ma'am accounting would not mind us being so noizzzzzzzzzzy. MassComm e. Hahahaha. Anyway, sa sinabi ni Issay na pick up line, we were like crying because of sobrang tawa. 

ISSAY: Tricycle ka ba?

US: Bakit?

ISSAY: ( Imitating Boy Pick Up's face... )
Then suddenly she shouted, BOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOM!


HANDS UP ISSAY! :D


Tawang tawa kami sayyyyyyo! Loko.


Madam Issay with Culver.

Missing my blockmates. ;|

I just miss them. :( It's like I've been used to seeing them everyday. Yung puro tawa kami ng tawa kahit na super hassle na kami sa lahat ng stuffs na ginagawa namin. We were like a family na talaga. Most especially the Mcdodo Company. :) They're the reason behind why I love going to school early. Daming chika kasi. Tapos hagalpakan ng tawa kapag kwentuhan na. Hahahaha. Tapos yung ingay pa nila Daven, Culver and Santie, lalo na si Ed. Wagas! Nakakamiss! Happy holidays my dear blockmates. I love and super miss you all! :*

Friday, December 16, 2011

Knocks me off my feet. :">


I heard Issay and Culver singing this piece last last night. I was like Oh, old song pero shoot! It's wonderful. Until I heard myself singing this when I was walking home. Ganda lang, I sang this too when Culver handed me the mic, so I grabbed the chance to see if talaga ngang maganda kapag kinanta ng magandang katulad ko. OH SH*T KAPAL. Hahahaha. Boooom!

Ha ha happy energy. :)

At long last! Our party went sooooooo crazy and great! I'm with my Broadcast Comm. family, together with our Marketing Comm. professor, Madam Walter. Hahahaha! Although di complete, sabog pa din sa happiness kasi wala, ang saya lang. Alam mo yun? :D Kaso, may isang OA. Hahahaha. Okay shut up Jhoanna Marrie. I might be branded na naman as masungit or whatever so okay, I'll shut up. :)

Nakakatuwa pa kasi Poleng prepared foods pa for me kasi nagutom ako before going to Madam's place. Dami kong tawa sa meat loaf nya, nagexpect ako na maganda yung luto, kasi she's proud na nakaluto sya. It turned out na durog durog. Hahahahaha! pero yummy sya. :) E di gayak na kami para sa party, then all of a sudden I asked her, "Poleng, bakit ayaw mo pa magka bf?" Then she smiled saying, "May tamang darating sa tamang panahon. Tsaka di naman ako nagmamadali e." E di ikaw na Paula Danica! Nagugulity pa ako kasi nung ginamit ko yung broadband nya, hindi na maread ni lappy basty. :( E di ko naman nasira yun. :(











 Bagong pag ibig ni Poleng. :D



Yan na, sabog na. :D Eh thankyou BR family for this event. :) Saya. Me loves you all! :* Sana maulit pa, kulang kasi e. :)

Sayaw sayaw at kain kain din! 

Wednesday, December 14, 2011

Comm. Research. ;)

Yeehaw! We did our report successfully! I thought mangangamoy bawang at sibuyas yung room kagabi, pero so far sa performance ng group namin wala naman. Though framework na lang kulang, I saw Mami Agato's face when our group was in front explaining. Napapatango sya and I know she's satisfied. :) Nakakatuwa lang kasi out of 8 groups, yung group lang namin and Jamie's did well so far. :) The rest, sumablay. Nakakaproud kasi I heard she mentioned my surname for demonstrating a good theory. Kaya yun, masaya lang. Nung nasa bus nga ako while going home I was like oh em thankyou Lord for giving us again this chance to shine. :) Without Him wala kaming magagawa, kaya everytime na nadadaan ako sa church, super thankyou ako sa kanya kasi di kami ganun nahirapan idefend yung theory namin. :) Kudos to my girls, Jennie, Marni, and Paulandi. Hahaha. Malandi kasi inagaw nya ang honey Alan ko! Pak ka Poleng! Humanda ka sa akin bukas loko ka!

Tomorrow will be our Party naman, wait lang hindi na related yung title ng blog ko sa sinasabi ko. Hahahaha! Anyway I need to end my year just happy. Really really happy! :D

Thursday, December 8, 2011

Ano ba?

Grabe lang tong week na to, nung una nakahinga kami ng maluwag ng PvZ kasi were done with the survey for our thesis. Tapos biglang meron na namang bago. Shit. Sakit sa ulo. Dahil jan sa sakit ng ulo ko, di ako pumasok nung educ.namin. Wala lang, binawi ko lang talaga yung tulog ko nung nag overnight kami kina Marni. Additional pa tong si Poleng ang gulo matulog. Hahahahaha! Nakakasakit pala sa ulo mag tabulate ng percentage for survey. AS IN LANG TALAGA. Tapos yun, para mawala sakit ng ulo ko, nagpicture picture na lang kami ni Poleng mylove. Hahahaha.







Para lang kaming dyosa jan. :D Kbye. Hahahaha. Yan nawala na sakit ng ulo ko jan. Kwela kasi ng loveteam namin e. #TeamJholeng. Say what?
At isa pa ang nangyari sa akin, matutulog na sana ako sa subject ni Dean, (Media Criticism) Kasi diretso pasok na kami agad pagtapos ng overnight namin. Tapos nagbotohan yung BroadComm para sa officers. Tae lang. Naging secretary pa ako. :| :( :/ Huhuhu. Sakit na naman sa ulo. Nawala na naman antok ko. Oh em, patayan talaga kapag 2nd sem. Though mabilis matapos, complete naman sa pagiging haggard. Oh yezzzzz. What more can I do? ;( Okay lang, nanjan naman si Bro, di ako iiwan ni Bro I know.


I'd wish it will rain lots of burgers today. Para fair na ang buhay ko. :(

Tuesday, November 29, 2011

Get out! :D

My girls, Jennie, Marni and Poleng were like so productive last night. Kasi naman were brainstorming 2 objectives para sa thesis namin. And we thought of having cyberbullying as our interest, kasi kaming apat involved dun. Hahahaha! Nagawa naming 4 ng mabilis, tapos tama pa. Kaya I was really thanking God for allowing us to think that way, I mean yung mabilis kami mag process ng ideas, not to mention na pang last subject namin ang Communication Research, dapat dry na dry na kami. But still, ang taas ng energy naming apat.  Nung natapos na kami tapos maraming nagtatanong sa kanya kung pano yung gagawin, nahighblood sya. :| Tapos she demonstrated how to do it. (Mam Agato) Kinuha nya yung gawa namin, kaya nakakaproud lang. :) Iba talaga kapag may Lord God kang kasama sa paggawa mo in anything. HINDING HINDI KA NYA PABABAYAAN TALAGA. :) Although di namin nakasama ang Mcdodo friends namin, okay lang. I believe in them na kaya nilang magwork kahit na hiwa hiwalay kami. Kami pa? BroadComm yata kami. :D K. Yabang lang. Tapos nung Marketing Communication namin, masaya kami. Wala lang, ewan ko kung bakit. Everything is going on just fine. :)
Kahit na mejo ini sa kaingayan namin si Sir Stephanie. Hahaha shet stephanie talaga. :D Okaaaaaaaay. San alng mag tuloy tuloy. Pati sa Media Criticism. On our first day, di talaga kami makahinga. Hahaha.


At kaya Get out ang title, kasi yan ang sinabi samin ni Mami Agato nung tapos na kami at nagbeso na kami sa McDodo friends namin. GET OUT! *With feelings. :)*


Saturday, November 5, 2011

Hi November 05! :)

I slept at around 2am today. I was really excited to go back to school today. Hahahaha. Nakakatuwa kasi 7 lang kami. So masaya diba? Tapos nagmeeting kami nila Dean. Regarding about the lab fee issue. One good thing nasettle na sya. Laking bagay nun e. :) Tapos kumain na kami nila Tom, Je, Dianne and my everdearest Teresa. ;) From McDonalds in Broadway, nilakad namin hanggang sa Trinity. Pero sa New Manila kami dumaan. Daming haunted house e. Laughtrip lang, namimili kami ng mga magiging bahay namin. Okaaaaaaayzzzzz. When we arrived at TUA, lakas na ng ulan. Nagkatamaran pa kami maglabas ng payong. Hahaha. Pumunta muna kami ng AS, tapos nakipagsapalaran sa maulang hapon para pumunta sa BH. Hahahaha, basang basa kami. Kamusta naman. Walang bago. Tagal dumating ni Sir Post Production, ( I forgot his name sorry. :D ) kwento kwento muna. At napunta kami kay Joe Jonas na... Ehem , wag na nga lang. Ang weird kasi. 

Minutes later, dumating na si sir, wala introduction lang naman. Hahahaha. Tapos umuwi na kami. Nakakatawa kasi nag Gilmore kami nila Teresa pauwi. Ang traffic pa, tapos tawa sya ng tawa kapag nag wewave ako sa mga dumadaan, sabi ko ako budoy. HAHAHAHA. Ayoko na nga, tinatamad na ako magtype. Bukas na lang ulit. :D


Thursday, November 3, 2011

Pasukan na! ;)

3BroadComm01. Hahahah. Ganda ng section ko. :) Today I'm gonna have my first class at 3pm. Unfortunately, tinamad ako. Get up lazy bones! :D I wanted to go to school, but I was thinking mababasa ako ng ulan kasi ulan ng ulan. Hahahaha. As usual, epal na naman tong kapatid ko, tinatanong nya ako kung bakit ayaw ko daw pumasok. Sabi ko bukas na, kasi nandun si Tatay Mon tsaka si Prof. Pogi. HAHAHAHAHA. E sabi DA manyekes dew sye? OHMOOOOO. Fail. :| Okay lang, I haven't seen him yet this week, except nung assessment, sabi nya nga magiging student nya ako. E ang pogi talaga. Sabi ko good news sa amin mga girls, may kapalit na si Atty. Mangaoang sa mga puso namin. Were done with Media Laws, kaya wala na sya. :(  E kung si Atty. lang ulit prof namin, masaya na naman ang puso ko. OH I HOPE SO. :( 

Anyway, I do hope I will ( I really should! ) enjoy this 2nd semester of my 3rd year in college. Dean Orsal will be our professor in Media Criticism, and I was like oh no. Ayan na si Dean, nakakanerbyos, but I need to get through this. Challenge for us MassComm/BroadComm friends. AJA!

Friday, October 28, 2011

Paid Off. ;)

I still have reasons to smile, kahit papano. My instinct was true. Dean's lister ako. Hahaha. Wala lang nag paid off yung mga gabing kulang na kulang yung tulog ko kakagawa ng script. Dokyu. Etccccccc. Hehehe. At wala yung kinatatakutan kong 2.00! ;) Para to kay Tsang. Tsaka sa mga taong tumutulong sakin na maachieve ko lahat ng goals ko. Kay Tito Robert, Tito Boyet, Tita Gai, Ate Tim, AH LAHAT SA MOTHER SIDE KO! Sasakit ang daliri ko kakatype. 


Hiya! All my efforts and hardships paid off. Thank you so much Papa Jesus! :* This one's for you po.

Last.

Kanina nailibing na si Lola. Nung mass kanina, naiiyak ako, pero pinipigilan ko. Kasi naalala ko yung mga ginawa nya para sakin nung bata pa ako. As in sya nag alaga saming magkakapatid. Kaya ang laki ng utang na loob namin sa kanya sobra. Dun kasi sa inuupuan ko, nakikita ko ilong nya kapag tatayo kami pag sinabi ni Father. Naalala ko nung bata pa ako, lagi kaming nagpapaluto sa kanila ni Nanay ng pancit canton. Hehe. Tapos papagalitan nya kami ni Mikee kapag takbo kami ng takbo kasi hawak hawak nya si Pau, di nya kami mahabol. Ayun, tapos nung nagkakautak na ako, sa kanya ako pinaka close. Ang bait bait nya kasi. Na minsan hindi nya alam kung pano magalit. Miss na miss ko na sya. Wala na akong aasarin kay Kiko kapag nagkekwento sya sakin. Iloveyou Tsang ha? Lagi mo tatandaan yan ha? :* Nakangiti lang ako, pero miss na miss na kita. Malungkot ako pero dapat nakasmile palagi. ILOVEYOU! <///////3


Wednesday, October 26, 2011

Babay Lola. ;(

Ewan ko ba, pero every October, lagi na lang may nawawala sa akin. My Lola Taling at my father's side passed away last year, October 20, 2011. Ngayon naman si Lola Bating, kapatid ng lola ko sa mother side. Dati naiiyak kami kasi parang nanghihina na sya. That was on August. Nakatagal pa din sya ng 1 month since kinuha namin sya dun sa tita ko. Tapos ngayon biglaan namatay. Nung umaga nakakain pa sya e. Tapos nagulat na lang si Mikee nung  nahihirapan na huminga. Tapos sabi ni Mama inebulize daw namin, e di ako ninebulize ko naman sya. Nung binuhat na namin, nakanebulize pa sya e. Yun pala naghihingalo na. One good thing umuwi ng maaga si kuya. Tapos pinaupo na namin sya. Ayun na, hinahabol nya na hininga nya. I saw her fingernails turned violet. Sabi ko sa sarili ko, nako wala na yata to. I'm trying to ho9ld back my tears pero di ko kinaya. My mom and sisters were crying. Same with my cousin. Nagstetoscope pa nga si Mikee tsaka kuya para mabantayn yung breathing nya kung normal or hindi na. Humina ng humina, hanggang sa nawala na. Patay na sya. ;(

I was heavily sedated by sadness. During her last few days, hindi na sya nagkakakain. Tapos medyo naiinis na din ako kasi lahat ginagawa ko mpara lang makakakain sya. Kaso ayaw nya na talaga. Sabi ko pa nga sa kanya tulungan mo sarili mo la, para lalakas ka ulit ha? Maiinis na ako nyan sige ka. Tapos titingin pa sya sakin. Walang reaksyon mukha nya. Ayuuuuuun. Naninibago nga ako today. Wala ng nakahiga dun sa sofa. Wala na kong titignan kapag galing ako ng school. Wala na akong ikikiss kapag papasok na ko sa school. Wala na akong papakainin. Wala na akong papaliguan. Lahat. <//////3

Mamimiss kita La. :( Palagi kong maaalala yung sinabi mo sakin nun na mahal mo ako. ;(((
Pahinga ka na ha? Di na ako iiyak. Pero di ko mapapangako yan, k? Iloveyou so much. Forever will be. :*


Rest in Peace my ever loving and sweetest Lola Beatriz. :* :( :| ;(

Sunday, October 23, 2011

Judgment daaaaaaaay. :O

Bukas na, sana magkatotoo mga instinct ko. HAHAHAHA. Assuming much e. Wala lang, malaks lang kutob ko na wala akong 2.00. Na lahat 1.75 and below. HAHAHAHA ulit. Okay lang yan. libre lang naman mangarap. Pahiya ako kapag mali ako nito. Sana Bro. mag pay off lahat ng hardships ko this semester. Weee. Tapos 2nd sem na. Tapos OJT na, tapos 4th year na ako. GRADUATING na. Excited much e. :D Nakakagalak. Promise. :) With Bro's help I'm sure kakayanin ko to. WALANG DUDA!


Ganyan lang ako ngayon. Baliw lang. HAHAHAHAHAHA.

Saturday, October 22, 2011

Yehey. :)

Yesterday I messaged my professor in Visual Communication. Tapos respeto hindi nagreply si Sir Rufo. Zzzzzz. Sabi ko, sir, how's my grade? Ako naman sige hintay, at aba ang log out na ang propesor ko. ;| The next day, I woke up seeing his post on my wall. Then he said...

Yehey. Yun lang. Mataas ako dito sigurado. HAHAHAHA. OA lang. :P

Baby Yue Yue. :(

I was praying for this young girl's soul last night when I found out that her body did not make it anymore. :( Sabi ko kay Bro, Bro, wag na wag mo hahayaan yung baby girl na di makaakyat sa heaven ha? Too young too die, made by those individuals who did not care to see her after what happened. Nakakainis. Tapos yun, nakakaawa. Narun over sya twice. AND NOBODY DARED TO SAVE HER. <//////////3 And that was heartbreaking.



Eternal rest grant unto Baby Yue Yue oh Lord, and let etrnal light shine upon her.
May she rest in peace, Amen.

Thursday, October 20, 2011

Sayang. :(

Nichat ko si Tatay Mon ko, tapos tinanong ko, tay anung grade ko po? Kamusta? Tapos sabi nya, "Ang baba ng Broadcast Journalism mo." Tapos ako, I was like oh no, di pwede to. Di ako magiging Dean's Lister pag mababa. :( Naiiyak na ako, tapos sabi ko, anu nga grade ko tay? Pati sa Radio Production and Scriptwriting? Then it went like this:

Tatay Mon: Wait, let me check my sheet.
Me: Okay tatay. Thankyou po.
Tatay Mon: (Qtian is typing...... I was nervous.)
Radio Production- 1.00
Scriptwritng- 1.00
BroadJourn- 1.25
Mababa ang BroadJourn mo.
Me: Wow. Thankyou tay. Oo nga po e, I don't know what happened. Uno na din sana. Ang baba. :(
Tatay Mon: Magagaling kayo, tsaka caring. :)


Okay tatay. :) Okay na 1.25. :) Sayang di naging uno, pero alam kong DL ako. HAHAHAHA. Confident masyado e? HOHO. 3 sem. na lang at kembot, graduate na ako. Kaya gagalingan ko lalo. Ako na inspired at ganado magaral. :) THANKYOU LORD JESUS AND TO MY TITOS. :"> 

Monday, October 17, 2011

Toothbruuuush!

While taking a bath, I remembered something that happened a week a ago. Super gross, I was like oh no, I really did that? Hahahaha. I forgot to brush my teeth sa sobrang pagmamadali. Punyets. HAHAHAHA. Exam na kasi, I ate my breakfast after bathing, then after I went to the gate hurriedly. Parang tanga. Sa lahat ng pwede kong makalimutan, magtoothbrush pa! Hahahaha. And it happened to me thrice. :p The first one nung 1st year college pa ko, 2nd nung 2nd year ako. 3rd ngayon. Hahahaha. I have this notion in my head na kapag 4th year na ako, pwede mangyari ulit. Hahahaha. Ang dugyot ko. Promise. :( At everytime na nasa jeep na ako, dun ko lang naalala na nakalimutan ko mag toothbrush. Bumili ako nung mentos, tapos cool air. Tapos I went to school na tinatakpan ko bungaga ko. Or kapag hindi yan, hindi ako magsasalita. Para hindi halata. Hindi naman ako bad breath, it's just that ang dugyot sa paningin ko na nakalimutan kong gawin yun. :( Tapos sabi ko kay Poleng, Poleng, mabaho ba? Sabat sabi ko, HAAAAAAAAAA. Tapos sabi nya hindi naman. Bakit? Nung una ayaw ko sabihin, nakakahiya kasi. Tapos umamin na ako, tapos sya yuuuuuuuuck Jho. Hahahaha. E ano pa magagawa ko, nangyari na. Life saver ang Mentos and cool air. HAHAHAHA.


Sunday, October 16, 2011

Ken Ken.

Natatawa ako kay Ken ngayon. Hindi ko alam kung ano nakaen nya or what. I opened my facebook account, and he commented on my photo. That was the both of us. I mean yung photo, kaming dalawa yung nadun. Kinilabutan ako nung nakita ko comment nya na, "SAYANG TAYO NA SANA. HEHEHE" K. Hayuuup ka talaga Ken. Eeeeeh wala lang. Natatawa lang is me. Sa lahat ng kaibigan kong lalaki, sa kanya ako pinakaclose. Hahahaha. Pano malako, tapos di nya ko hinhayaang magutom kahit wala na syang pera. :P Okay, tribute ba to for my ever loving bestfriend Ken? I so love you Ken! Hahahaha. You are my one and only dude in my life. K? :*

Sya ang pambansang kabayo ng Pilipinas.


Hahahaha. Joke lang dude. Pogi ka pa din kahit na kabayo ka. :)

Thursday, October 13, 2011

Sembreaaaak! ;)

So masarap pala sa pakiramdam na nasagutan ko lahat ng questions sa Media Laws namin. Kinikilig ako kasi ngayon ko lang narealize na mahal ko na palasi Atty. Jo. Hahahahaah! Joke. Ang pogi nya, tapos imba pa sa talino. Sana naging ka age ko na lang sya para kahit ako na lang manliligaw sa kanya, okay lang. :"> Desperada e? Ahhh, basta. Ang pogiiiii ni Sir Jo. Yun lang. Inspired ako habang nag eexam ako sa subject nya. Bakit kasi ngayon ko lang narealize na crush ko sya. :(

Anyway, isa pang kembot na exam sa Nihongo, okay na ako! Hahaha. Sana wag mahirap, sana naexempt na lang ako. Sana maka uno ako dito. K. Madaming sana. Hahaha. Malapit na sembreak, I'm planning to apply for work, para di naman masayang yung break ko. May income pa ako. Para makabili ako ng madaming madaming chocolates. HAHAHAHAH. Baboy ko sh*t. Nararamdaman ko na magdi dean's list ako. Sana wag masira instinct ko. I need to sleep, meeting with CAS Council and examinations tomorrow for Photography and Nihongo. ;)

Tuesday, October 11, 2011

God is Great!

May sakit ako. Huhuhu, okay malungkot. I arrived at school having this tissue inside my nose. Ohmoo, I'm humiliated. Alam mo yung lalabas sa parehong butas ng ilong mo yung sipon? The only way para hindi lumabas is, kapag lalagyan mo ng harang. HAHAHA. Natatawa naman ako sa sarili ko. At nilagyan ko ng tissue. K. Hahaha. 4pm, nasa caf ako. I waited for Poleng kasi magaaral kami for Communication Theories. Where on Earth can you find 6pm examinations? Asdfghjkl. Kainis. ;| Bumuli muna kami ng food before going up, kakagutom kasi e. As expected, maaga si Ma'am Agato. She wrote the different theories na pwede naming idiscuss for finals. Soon after she finished writing. Medyo mahirap na madali, kasi inaral ko e. HAHAHA. Then she blurted out, na may students na babanggitin nya na kahit hindi na magexam. For short exempted. Daming exempted sa Comm.Arts section, tapos sa amin, (BroadComm) konti lang. Who would have thought na kasama ako sa exempted? THANKYOU BRO! My efforts in studying and answering her examinations paid off. :) Masaya lang. Kasi kahit pinapagalitan nya ako minsan dahil nag cutting daw ako kuno at maingay daw ako, I can still prove na I have something that other students doesn't have. :) Nakakatuwa, ang saya namin ni Tom and Dianne. 

Para sayo lahat to Bro, MARAMING MARAMING SALAMAT PO. :*
I LOVE YOU PO.


Nakakatuwa lang. :)

Wednesday, October 5, 2011

Natuwa lang ako. HAHAHAHAAHA.

MALI ANG MAHALIN KA. 
- Anonymous.

Natutuwa lang ako, di ako makaget over sa line nyang ito. Hohoho Fontanilla. ASDFGHJKL ka. 

Saturday, September 17, 2011

Oh my GEEE!

    • oo
    • eh prang ayaw mo eh
    • Prang ayaw?!
    • Self pitty nga di ba?
    • Anu nmn mggwa ko?
    • cgecge
    • sorry tlaga pre
    • napansin ko ding mali naman tlga
    • ....
    • kaya sorry
    • NP boss.
    • osha
    • alam ko naman na di mo na ako kilala pagkatapos nito
    • hehe
    • ganun tlga..
    • nauna kna ngang dina nangingilala ehh..
    • :))
    • kya ganun din..
    • oh.. tatahimik na ko ser.
    • gehgeh


    • Oh my gosh. I don't know what to say! Ako nahihiya sa mga sinabi ni Xtian. Shit. HAHAHAHAHAHA. After a looooooooong denial of what really happened, soon after he confessed na totoo. K? Next time umamin na agad. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA.