Thursday, August 25, 2011

Maraming nakakapasa sa Mass Comm dahil madali lang ang mga subjects.

Minsan na ding nagpantig ang tenga ko noong marinig kong nag uusap ang dalawang kolehiyalang nakasakay ko sa jeep. Wala akong pakialam sa kung ano ang kurso nila pero dahil nilalait nila ang kurso ko, di ko mapigilan na makinig sa kanilang usapan. Dahil napigil ko ang sarili kong ilabas ang balisong na nasa bag ko para pagtatapyasin ang leeg nila, dito ko na lang ipagtatanggol ang sarili ko. (Biro lang yung pagtapyas ng leeg.)

Unang una, hindi madali ang kumuha ng kursong may kaugnayan sa komunikasyon.Di porke’t di kami nagcocompute ay madali na ang buhay namin bilang estudyante. Akala niyo ba madali mag shooting? Gumawa ng comm tools, press kit, music video, commercial, documentaries at pelikula?

Hindi kami nabubuhay na may sinusundang formula sa pagsagot ng isang problema o di kaya naman ay may binabasang manual para lang magawa ang isang project. Isip ang tanging puhunan para masagutan lahat ng problema. Kailangan ba ng formula para makabuo ng isang magandang essay? Hindi. Kailangan ng matinding pagpiga ng utak at isang malawak na imahinasyon para makabuo ng isang istorya o di kaya naman ay para makagawa ng isang script. Kung wala ka talagang maisip, wala kang maipapasa. 

Hindi lahat may kakayahang makihalubilo sa ibang tao. Hindi lahat ng tao may lakas ng loob na mag interview, makipag usap sa ibang tao o di kaya naman ay mag cover ng isang balita. Kung wala ang mga reporter, sino na lamang ang maghahatid sa inyo ng balita na may fish kill pala? Maghihintay ka na lang ba ng GM ng kaibigan mong taga Batangas?
Palagi ding sinasabi na basta marunong daw magsulat at magbasa, komunikasyon na daw yun. Bakit daw ito pa ang kinuha kong kurso e parang ang dali dali lang daw dahil wala ka lang namang gagawin kundi magsalita? Kung madaling makipag communicate, bakit maraming relasyon ang nawasak dahil sa kakulangan ng komunikasyon? Sige, madali pala ha.

Lahat tayo kayang magsalita. Pero hindi lahat ay may lakas ng loob na tumayo sa harapan ng kamera at maghatid ng balita. Hindi lahat kayang pumunta sa isang lugar na may digmaan para lang makakuha ng mga impormasyong ibabahagi sa mga mamamayan.

Lahat tayo marunong magsulat. Pero hindi lahat ay may kakayahang makaimpluwensya gamit ang kanyang mga likha. Hindi lahat ay marunong magsulat ng isang balitang maiintindihan ng kapwa niya.
Hindi lahat alam ang semiotics.

Marami pang bagay na maari kong ipagmalaki sa pagiging isang communication student. Pero, di ko na siguro dapat isa isahin. Walang pipitsuging kurso. Walang kursong pwede kang pahila hilata lang. Lahat ng kurso ay magiging madali sa taong masikap at nag aaral.

Kung masaya ka sa kursong kinukuha mo, wag ka na manglait ng iba. Mag aral ka na lang ng mabuti.

P.S
Di totoong mas komportable sa bahay. 

CREDITS: batangmilo.tumblr.com