Masayaaaaaaaaaa sya. As in! That would be the best description for the long weekend I had together with the Delos Reyeses. :"> Well, saturday night pa lang di na ako makatulog. I was staring at the ceiling from 11pm up to 3am. :P Oh diba, excited masyado? Hahaha. I woke up at around 5am, prepped up my things and flyyyyyyyyyyyyyyyy. :)
Chil picked me up at Jolibee Kamias. We're supposed to eat there, kaso ang pangit ng mga upuan, so sa Jabee Anonas na lang kami kumaen. :) Corned beef, criss cut fries and sunny side up eggs made our day. Of course, di mawawala yung Sarsi ko. :P Charot. After nun, naglakad kami hanggang Savemore Sikatuna then nagtrike hanggang sa kanila. Chil warned me about Kuya Don's (His cousin) joke. Upon reaching their house, nakangiti na agad sakin si Tita Bing and Tito Peter (Chil's parents) Tapos ako parang, wow, ganito ba talaga? Ang saya ng pakiramdam na tanggap ka ng pamilya ng taong mahal mo, tapos mahal ka rin. :"> Oh Lord, they're the sweetest! ♥
I also met his cousin, Ate Tin, and super mabait and malambing sya, plus pa ang anak niyang si Kiko. Ang kuliiiiiiiiiiiit sobra! Pero macute naman si Koki, binaligtad ko name nya para naman maging unique. :) At syempre, ang pinaka magandang pinsan nya na jowa ko, si Mayel. :* Nakakainis kasi may dalaw sya, kaya di sya makakapag swimming mamaya. :( Tapos nabinyagan ako agad sa joke ni Kuya Don, sabi nya, "Oh, sya ba si Anette?" Tapos sabi ni Chil, "Sorry nasabihan ko na sya agad! Hahahaha." Nakakatuwa. Masaya talaga.
So ayun na, after magayos ni Tita Bing, umalis na kami. Nakakatuwa pa kasi nagtampururot si Tito Peter kasi naiwan nya sa bahay yung bread ni Tita Bing, e ang hirap buksan ng gate nila. :P Makyuuut sila magtampo! ;)
Here we go! On the way na kami sa Laguna! :) Pero bago yan, dumaan muna kami sa Farmer's para mamalengke. I felt the need to go to the nearest comfort room, kaya sinamahan ako ni Ate Tin and Mayel. Naloka kami sa kakahanp ng cr, kaya sa Mcdo na lang kami nag pee. :) Ate Tin had this sundae for me, kaya nasweetan ako sa kanya as in! We also fetched her cousin, Ate Dianna and her son, Dave. :) Muntik pa mahuli si Tito Peter ng MMDA, kasi namali sya ng lusot sa lane. Hihihi. Pero okay lang, mabait naman si Manong MMDA. :)
Minutes later......
HELLO, Blusyl Resort, Calamba Laguna! :) Were here at last. Kung kelan malapit na, dun pa kami nakatulog ni Chil. =)) Fail.
I met his cousins and relatives. Oh my, ang babait, tsaka nakakaloka silang lahat! Ang saya nila kasama, nakakwentuhan ko agad si Kiki, Jasella, Irah, Pungkoy, tsaka Jarrod. His tito and tita's naman, nakangiti agad sakin nung pinakilala ako ni Chil. :)
I'm gonna start my chika escapade with;
Kiki: The first time I saw her, akala ko masungit sya. Kaso HINDI PALA. Sya pa nagpatawa sakin sa mga missed hit nya sa billiards nung naglalaro sila ni Mayel tsaka Jassela. Nagkwento din sya sakin about sa mga taong di naman na dapat pang pag-usapan pa. Kaya tawa kami ng tawa ni Kiki. :) Nakakatuwa nga e, ayaw nyang lumusong sa pool kapag di ako lulusong, so hintayan talaga ang peg naming dalawa. Nung napagod na kaming magswimming, lumabas kami nila Pungkoy, tingnan namin yung iba pang resort. Nakakatuwa kasi ang cute ng treatment nila sakin. =)) Isa pang nakakalokang sinabi nya sakin, "Ate maganda ka. Yieee flattered na sya."Naghintayan pa kami nila Pungkoy sa shower, para sabay kami matapos na tatlo, at pag naglalakad kami, di pwedeng di nakaakbay sa isa't isa. ;*
Miss ko na agad tawa mo Kiki!
Irah: Isa din tong si Irah, akala ko masungit. Hindi pala. Talagang masungit sya. Joke. :P Daming tawa ni Irah nung sinabi ko na akala ko, 1st year pa lang sya. Hahahah! Mapagkakamalan mo kasi syang 1st year e, wala kasi sa itsura nya e. :) Who would have thought na 4th year Nursing student na pala sya? From Trinity pa! Sabi ko nga di ko sya madalas makita. Yun pala, kung di rin naman ako tanga, panay sila duty. :)
Jassela: This girl made me feel na parang kapatid ko sya, natatawa ako kasi nagkukwentuhan kami, habang tulog si Chil, e tawa kami ng tawa, buti na lang di nagising yung prinsipe ko. :"> Bongga sa pagkwento si Bebang about her stuffs at school, how hard it was for her to have a ride home to Cavite from San Beda, and the maintaining of her grades. Sabi ko, in no time, matatapos mo din yan, tapos sabi nya sana nga ateee! Sabay tawa kaming dalawa. :) Panalo din tong si Bebang sa billiards, napatawa nya ako ng bongga!
Pungkoy: This guy's an intelligent one. Super brainy and mind you, kinantahan nya ako ng "Gotta Be You" by 1D. Ang swabe ng boses nya, and he promised me na sasali na sya ng singing contest, and he also told me na babalitaan nya ako. I super love this kid! Kasi lagi syang nakabuntot sakin, at lagi nya akong dinadala sa malalim. Zzzz/ -____- Pero di naman nya ako hinahayaan na malunod. Kundi lagot sya kay Kuya Chil nya. :P Inaasar pa nga sya ni Kiko e, kasi lagi syang nakadikit sakin, sabi ni Koki, "Ang tunay na lalaki, inlove kay Ate Jho!" Tapos tawa kami ng tawa ni Pungkoy. :D
Ate Tin: Si Ate Tin yung pinaka ate ko sa kanila. Para syang pinsan ko na talaga! Di nya ako hinayaang magutom, maasar kina Jarrod, at kung ano ano pa. Napaka caring ni Ate Tin. Sana maging pinsan ko na talaga sya. By the way, Ate Tin is the mom of Kiki and Koki. :* Super lambing nilang mag- iina sakin as in. Kaso si Koki, lagi akong inaasar. :( Bata pa kasi si Koki, 5 years old pa lang. At laging binibida sakin ni Koki ang swimming styles nya. Kaya natutuwa ako.
- "Ate Jho, tara swimming na kasi!"
- "Ate Jho, tignan mo pagswimming ko."
- "Ate Jho, halika turuan mo ko magswimming!"
Oh Koki, you're the naughtiest child ever!
Jarrod: Sya naman ang pinaka makulit na pinsan ng prinsipe ko. :) At, magka birthday pa kami ha. Kaya sabi ni Jarrod sakin, swerte daw ang girlfriend nya sa kanya, at epal naman tong Kuya Chil nya, sabi nya swerte naman daw ako sa kanya. Bah, ikaw ang maswerte sakin! Charot lang. :*
Kina Tito Joseph, Tito Boogie, Tita Odet, tsaka Tita Beth, masaya silang kasama. Sabi pa nga ni Tito Boogie nung pinatikim nya sakin yung the best nyang mangga with sawsawan, sabi nya, "Sigurado akong makakalimutan mo pangalan ng inaanak ko." Tapos lakas ng tawa nya. =)) Booom! Chinika pa ako ni Tita Odet tungkol dun sa bawal na maligo kapag may dalaw ka. Kasi pati si Tita Odet may dalaw, like Mayel. Kaya di sila agad nakaswimming.
Isa pang nakakaloka na nalaman ko, may kwento kasi si Ate Sheryl sakin, si Ate She yung kasama nila Chil sa bahay. :) Sabi nya sakin nung naghihintayan kami nila Kiki at Pungkoy na maligo, nagkwentuhan daw sila ni Tito Peter and the verdict: Super magaan daw yung loob nila sa akin. Tapos si Tito Peter nag second the motion. :"> Yiieeee naman, nakakatuwa!
From left: Kiki, Tita Bing, Isabel, Tita Beth, Me, Kiko and Pungkoy. ;)
Tita Bing also had the same feeling. Tapos sabi nya, "Ewan ko kung bakit ko naaalala name nya, kasi ngayon, naicocompare ko na na mas gusto ko talaga si Jho kesa sa kanya!" Tapos ako,
Parang gusto ko iflying kiss si Tita sa sinabi nya. Tapos after nun, Tita Bing hugged me and she said sorry. Sabi, "Tita, wala yun, para yun lang naman e." Tapos yung mukha ni Tita, as in apologetic talaga. Chil's cousins told me, "Ate next time dapat kasama ka ulit ha?"
With Tita Bing. ♥
So far, this story must be completed in just one reading. But I doubt that. Sa dami ng nangyari, kulang tong blog ko to narrate all the happenings. :)
It felt really good na pinakita nila sayo na mahal ka nila. Oh Lord, sana ito na yung mga taong makakasama ko in the near future. :)
Oh wait, I remembered something na sinabi ni Tita Bing samin ni Chil,
"Jho anak, Chil, after graduation ha?
Pakasal na kayo. Pero Chil anak, dapat may work ka na para di naman nakakahiya sa parents ni Jho. :">"
Tita Bing, Tito Peter, Chiles and I. ♥
OMGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGG. ♥