Chiles, Tita Bing and Tito Peter invited me to come with them to surprise Tito Joseph for his birthday. (Tito Joseph is Tita Odet's better half.) So ako naman okay, the thing is ni piso wala ako sa wallet ko. Nasa ATM lahat. Hahaha! I told Chiles na next time na lang kasi nga dahil dun. But he insisted. He texted me saying na susunduin nya daw ako kasama si Tito Peter. :/ Gulay nakakahiya. Chiles texted Tito Peter na susunduin daw nila ako. Then Tito Peter said yes and happy daw si Tito na susunduin daw nila ako. Omg.
On our way to Sikatuna, Tito Peter asked me:
Tito Peter: Jho ha, nananabunot ka na pala. (laughs)
Me: Opo nga e! Hahaha! Di ko nga po alam nananakit na pala ako. Gulay tito. Lakas nya maka- issue.
Tito P: Hayaan mo na yun. Wag nyo ng pansinin. :D
Then we went to Jolibee Regalado to have our breakfast. :)
FAST FORWARD..
So right after waiting for Tita Bing, we're all ready to surprise Tito Joseph for his super day. :) Chiles and I got stuck to dreamland for an hour inside the car. Hahaha. MASA kasi kami. MASAndal tulog. Hahaha! So pag- gising namin, nasa Roxas Boulevard na kami para magpaluto ng foods. :)
Tadaaa! So in no time nasa Cavite na kami. When Ate Tin saw me, super ngiti sya then she hugged me right away. Sabi nya, "Sabi ko sayo Ate Jho e! Magkikita tayo!"
Cute. :) Ewan ko, but I just love Hubby's family and relatives. ♥ Sarap sa pakiramdam na nakakasama ko sila tapos lahat kami, HAPPY.
Pagpasok namin sa bahay, Pungkoy smiled at me. Then he hugged me, too. :) He said how much he missed me. Such a sweet kid! Tapos tong si Ate Tin, sabi sa anak nyang si Koki Matsing, "Kiko anak, andyan si Ate Jho oh!" Si Koki medyo nahiya pa. Hahaha! Then Ate Tin whispered, "Sabi nya sakin Ate Jho, mama miss ko na si Ate Jho kasi nakikipaglaro sya sakin. :)"
Ayyy ahhh! Ang cute cute lang talaga.
Nagtataka nga ako bakit wala si Kiks my love. :( Nasa taas pa daw nag- aayos. Sabi ko nga sana bumaba na sya para makita ko na sya. Kiks is always texting me;
Good morning ate! :)
Super sweet lang talaga ng batang to sakin. ♥
So bumaba na sya, and when she saw me; Ateeeee! Helllooooo! >:D< Super tight hug!
Same goes with Irah and Bebang! Kaso tong si Bebang bongga makasigaw nung nakita ako. Hahaha! :D
After eating, we went upstairs. (Kiks, Koki, Chiles and I) to take a rest. Syempre busog. Hahaha! Kiks and I had fun conversing about random stuffs, then si Koki nangungulit din. He kept on telling me how badly he wanted to go to Star City. When Chiles heard Koki saying that, natuwa sya.
Lahat yata tinanong ni Koki kung sino gusto mag Star City, all of us said yes. Kaso para makapunta sa Star City, Ate Tin motioned Koki na lambingin si Tito Peter para pumayag. Hahaha! Guess what kind of lambing Koki did? He massaged Tito Peter. HAHAHA! Cute!
Tadaaa! Pumayag si Tito so hello Star City na biglaan! Hahaha.
Ride all you can, plus 4D ride and Laser Blaster = FUN!
Ang sumira lang naman sa pagkatao ko, yung Surf Dance na yan. Di ko kinaya. Akala ko mamamatay na ako. Akala ko wala na. :D
One good thing nandun lahat sila para macomfort ako. Though nakakatakot, nalessen naman kasi pinapatawa nila ako. Bawing bawi!
Super enjoy kami. Na we were not able to notice the time. We have to go home early kasi ipapaalam pa ako nila Chiles, Tito and Tita for Boracay vacay. Sana payagan. :) (Kahit na tapos na kasi sobrang saya at busy lang talaga kaya di nakapag blog. :D)
Sa sobrang pagod namin, nakatulog na naman kami ni Chiles. Hahaha, at pag- gising namin nasa Sikatuna na kami. Hinatid lang saglit si Tita Bing kasi super antok na si Tita. She told me na si Tito Peter na bahala magpaalam sakin for Boracay. I conveyed my thanks to Tita, then bang!
Kinakabahan ako kasi baka di ako payagan. In my mind, whether they'll allow me to go or not, I will never forget how the Delos Reyeses exerted their time and effort to ask my parents consent about the vacay. Dyan pa lang, panalo na sa lahat. ♥
Tito Peter even bought foods bago pumunta samin. I wanted the ground to open and swallow me ASAP. Nakakahiya.
HOMEBOUND.
Mama and Papa waited for us. Tapos todo asikaso talaga sila. Okay, this is it.
Tito Peter: Ipagpapaalam lang po sana namin si Jho sa Boracay. Pasensya na po at wala yung asawa ko, di na kinaya yung antok. :)
Papa: Ilang days po ba kayo doon?
Tito Peter: Mga mag 1 week ho siguro. :)
Mama and Papa's eyes met. My heart was pounding. :|
Papa: Alam nyo ho kasi mahal na mahal namin yang batang yan. Maraming pangarap yung mga tito nya para sa kanya. Sobrang alaga kaming lahat jan e. :) Alam nila kasing kayang kaya ng anak ko kaya tiwalang tiwala sila dyan. Hindi rin kami sanay na di nakakasama yan e. (laughs)
Oh shoot Papa. Are you gonna allow me to go or not? Kahit yun na lang. Hahaha!
Tito Peter: Naiintindihan ko naman po yun. :) Kahit naman po kay Chiles ganyan kami. Kaya nga po personal kaming nagpaalam. Tsaka di naman po mapapabayaan dun si Jho. :)
Papa: Paki- ingatan na lang sya dun ha? Madami kumain yan.
Then Papa's hearty laugh says it all. ♥
YEHEY! I'll keep you guys updated! My thumbs are getting sored. :P :D