Thursday, May 23, 2013

Highschool ♥


Ma’am Rose reprimanded me for being late, again. Imagine, for 3 consecutive days, I always woke up late. Hahaha. :D So, instead of answering back, (which is what I always do) I kept quiet. I walked to the classroom timidly, and outside our room, I saw my guy classmates sitting at the foyer. They were all bowing their heads, and I realize they’re up to something. I know that they know that I’m being scolded for being late, and so they feel sorry about what happened. L

Little did I know that they have plans to make me happy. As soon as I approached the end of the line of my guy classmates, Guian stoop up and shouted, “Jhoanna Marrie! Boys! Sayaw na! “and soon after, I saw them singing and dancing Willie Revillame’s song, “Boom Tarat Tarat.” They made me howl once more like a diminutive girl who’s looking for her misplaced doll.

Guian, Cezar, Ryan, (my first love. But is now avoiding me because he’s feeling awkward about the idea of my first love thingy. Hahaha!) Erick, Pedro, EJ, Teody, Alfredo, Ken, and Alvin.  Thank you boys. J I’m sorry it took me 5 years to tell this tale about what you guys did to please me. You boys are just the sweetest.


From lower left: Alvin, Erick, Guian, Ken (Face blurred :P) EJ, Teody, Alfredo, and Cezar. 



My closest photo with my first love, Ryan Rey Yang Rumingan. Naks memorize. HAHAHA. :D


Alfredo, with first love. HUHU HAHA. 

Hoping to see you all soon guys. I love and miss you all like crazy! 

Tuesday, May 21, 2013

JhoGor (Because you are my best bud. :*)

Malapit na naman magpasukan. Muntik na naman ako magtext sa mga kaibigan ko ng "Kelan tayo mag- eenroll?" Tinignan ko isa- isa lahat ng members sa group na Mcdodo sa phone ko. Sabi ko lahat kami graduate na, pero may pangalang lumitaw na hindi ko nakita sa PICC nung April 3. Pangalan ni Rigor. </3

Rainell James Gamayo Dumlao sa totoong buhay. Ipinanganak syang nananalantay sa kanyang dugo ang pagiging masiba sa pagkain, (kinakain nya lahat huwag lang yung mushrooms sa Burger Steak ng Jolibee na ako ang kumakain) mukhang sindikato at snatcher sa Cubao at Quiapo, martyr pagdating sa paksang pang- romansa, at matinik sa babae. 


"Ang tunay na bayaw, nag- jeje pose."

Nung una ko syang makita sa Speech Lab na room namin noon, kausap nya si Jennie at bespren nitong si Billy. Sa loob loob ko, "Putang- ina, lakas ng loob nitong lapitan si Jennie ah? Di ba sya nahiya sa itsura nya? Kahit kailan di ko kakaibiganin yan."

Hanggang sa lumipas ang buwan at taon, nakita ko na lang syang nakaalampay sa braso ko, nakayakap sakin kapag naglalambing sya, at nagprisintang maging "Temporary Asawa" ko noong mga panahon na dumudugo ang puso ko kay Imas. Walang hiya. Kinain ko lahat ng mga naiisip ko nun. Nakakahiya. 
Tapos bigla nyang sinabi sakin, 

"Ako hindi kita sasaktan asawa, mamahalin kita. Tandaan mo yan."

Mga katagang hanggang ngayon, naaalala kong sinambit nya sa akin habang nakatingin sa mga mata ko, nung nasa ilalim kami ng puno sa Botanical Garden, at pinapaamo namin ang mga pusang nag-sisilapit sa amin.

Minsan nga nung narealize kong malapit na kami umalis, bigla akong naiyak sa harap nya. Pati sya naluha. "Wag kang ganyan, magkikita pa naman tayo ex- wife." Tapos ngingiti, punas konti sa naluluhang mata.







Tinawanan ko lang sya, nagdadrama sya na malapit na daw kami umalis, tapos sya 18 years ng nag- aaral. Loyalist sya ng Trinity. Sa Trinity sya nag- Nursery at Kinder. Sa Trinity din sya nag- Elementary. Sa Trinity din sya nag- Highschool. Sa Trinity din sya nag- college. 
Kung tutuusin alam nya lahat ng pangyayari sa Trinity. Kung sino na yung mga namatay na members ng faculty and staff simula ng magka- isip sya nung Nursery, kung sino na yung mga bagong faculty members, yung Board of Trustees, mga naging Vice- President at President ng Trinity. 
Kaya laking gulat ko nung nag- practice sya ng sarili nyang graduation nung April 2, 2013 sa Gazebo ng Trinity, ang alam nyang Vice- President ng Trinity, ay si Dr. Josefina Sumaya. Susmaryosep. Loyal ka nga Rigor.

Gago ka Rigor, bente- dos anyos ka na. Sana naman mahiya ka na. Ilang batch na ang nalampasan mo hoy. Pero alam mo naman na kahit bigoteng sarado ka, e mahal na mahal kita. 



Naaalala ko yung mga panahon na gutom na gutom na ako at hindi ako makalabas ng room dahil sa dami ng ipinapasulat ng aming Dekano, lumabas sya. Syempre akala ko magka- cutting class na naman. (Yan kasi ang gawain nya, kaya naman umabot ng 6 years sa kolehiyo, kapag hindi nya trip yung subject, lalabas na yan, tatambay sa Stephen's, mag- yoyosi, at makaka- ututang dila na nya ang mga kapwa niya nag- cutting.)
Pag balik nya sa loob ng room namin, tinignan nya ako. Ngumiti sya tapos inabot nya yung plastic ng Garcia's sa akin.
Nakita ko yung laman ng supot.


Ang favorite kong Snacku, Sweet Corn, at ang ultimate favorite kong Choko- Choko.
Sira ulo sya. Bago sya lumabas at dumadaing ako sa kanya na gutom ako, nag- rereklamo sya sakin na wala na syang pera, magka- away daw kasi sila ng Papa nya kaya nahihirapan sya kumuha. Wala nakinig lang ako, tapos bigla na syang lumabas nung nagsabi akong gutom ako.
Naisip ko na kaya baka sya lumabas, e kasi nababad trip sya sa akin na wala man lang kaemo- emotion yung pakikinig ko sa kanya. HAHAHA. :D 

Sana nga sya na lang nakilala ko noon pa. Sa maniwala ka at sa hindi, boyfriend material si Rigor. Mabait sya, gentleman, hindi manyakis, mapagmahal, at mahilig maglambing. Pinanindigan nya ang pagiging Temporary Asawa nya sa akin nun. Hinihintay nya ako sa Garcia's para sabay kami pumasok, hinhintay nya ako sa pagkain, lahat lahat. Kaso sabi nya sakin nun, "Jho dear a female dear, kahit na gusto kitang maging jowa, di ako yung karapat- dapat for you. Tsaka nakikita ko naman na mahal na mahal ka ni Tsiles. (Chiles) am gonna cry now."

Lahat ng sasabihin nya, lahat magsisimula sa "Am gonna."

AM GONNA START NOW.
AM GONNA END NOW.
AM GONNA EAT NOW.
And his famous tagline:
AM GONNA CRY NOW.

To you my ex- husband turned into BFF's, mahal na mahal kita. I may not always be around you to cheer you up whenever you need me, but I assure you, am just a text/call away. Okay? Huwag nang magpalampas pa ng isang batch. Please. Sumama ka na sa kanila. 
Ikaw lang ang nag- iisang Bigote ng buhay ko. ♥







Mamimiss kitang ugag ka. :*