One of the best-est weekend, so far. ;) I spent it with my highschool buds, Angel, Lara, Kuya Kim, Niel, Cess, Charles, Moi, at yung dalawang mag jowa. Hahaha! I forgot their names. Sorry. I introduced to them my super Zing, and my hubby, Chiles. ♥
It felt good to see na nakasundo nya agad si Kuya Kim, sa bagay parehas silang makulit. Hahaha! Pictures are going to be uploaded once na maupload na ni Cess. Hiya! So nagcelebrate kami ng birthday ni Desti Angel sa Shakeys MOA. The day before celebration, Hubby told me na may birthday din kaming pupuntahan sa MOA. Coincidence? :) So after having our lunch, we went to the seaside. Ang presko, ang sarap. Soon after, mas nangibabaw yung amoy basura. Eeenk. :| :p
We all had our pictures taken. Us girls, the boys, and madami pa. ♥ Ang bilis ng oras, tapos nagyaya si Angel na magbar. Since hihintayin na lang namin ni Hubby sila Tita Bing, we both decided na wag na sumama sa kanila. Kasi ilang minutes na lang naman darating na sila Tita. I kissed Angel, Lara, and Cess, tapos hinampas ko lang si Kuya Kim at Niel. Kulit e. :P
With my Duday, Lara Jean. :)
With Desti Angel and Niel :">
Birthday girl, Ma. Angelina. ♥
Nafeel ko yung konting lungkot, syempre kasi after a year nakita ko ulit sila, tapos ang bilis ng oras humiwalay na ako. Pero nawala naman agad yung lungkot, and my Zing made it possible. ♥
Lakad lakad, para mabawasan yung carb and protein intake namin ni Hubby, then he bought a shirt, tapos ang nakalagay:
RULE NO 3: Ang tunay na lalaki walang ABS.
Hahaha. Ang kulit lang. :D Wala palang abs ha? :P
Tapos ayun nga, nung papunta kasi kaming seaside, nakita ko yung Ferris Wheel, so ako syempre na overwhelm, sabi ko Hubby mukhang maganda dun sa FW, ang taaaaaaas! E kaso umaambon, e gusto yata talaga ni Lord na makasakay ako. After kasi namin maglakad lakad ni Hubby ko, tumila na yung ulan. Ang saya. So pumunta na ulit kami, tinignan namin kung mahaba ba yung pila. Luckily di naman. Nung nakita ko na ng malapitan yung FW, nagbago na isip ko na wag sumakay. Ang taas, nakakalula. I have this fear for heights, kaya di ako makatingin sa ibaba.
I pulled Hubby back. Sabi ko di ko kaya. Then he told me, kasama ko naman sya, di nya ako iiwan. ♥ Oh God. I really love this guy. Sobra po. We had our picture taken dun sa booth before going inside the gondola. Ang pogi pogi ng Chiles ko. Nakakainlove lang sorry. :****
Inside the gondola, I was like oh nooooo. Ang bagal ng andar, pataas na sya ng pataas, baka mamaya mahulog ako or what, kaya inaliw ko yung sarili ko sa binoculars. Macute sobra! Tapos nung natapat ko yung binoculars kay Chil, sabi ko grabe ang ganda ng view. :"> Tapos ganun din ginawa nya, nakakatuwa. :) Then he kissed me. ♥
Di ko namalayan nasa tuktok na pala kami. So feeling ko nasa langit na ako. Lalo na kasama ko pa si Zing ko. :""""""""> Non- stop kulitan and kasweetan lang. I hope it'll last FOREVER. Lord, he's the man I wanted to propose right in front of me. He's the man I wanted to be the father of my kids.
HE'S THE MAN I WANTED TO BE WITH FOREVER, AND EVER. ♥
Fast forward....
Nakita na namin ni hubby ko sila Tita Bing and Tito Peter. Ang cute lang, nagtaxi pa kami e malapit lang naman pala yung Vikings. Nakakaloka nga lang kasi umandar na naman yung hiya ko when I found out na high- profile pala yung makakasama namin for dinner. Tito Peter narrated some stories. Nakakaloka lang talaga. Sa dami ng nagpapareserve, number 71 kami. Hahaha! O dibaaaa? Heavy. Blockbuster ang peg.
I met some of my hubby's cousins and relatives. Nakakalito mga names nila e, pero eto yung mga naalala ko;
- Kuya Jone
- Kuya Josel? Tama ba hubby? Hahaha!
- Kuya Jepong
- Tita Fe and his husband. ( I forgot the name. :( )
- Tita Odet and Tito Joseph (Nameet ko na sila dati pa. Bookworm din pala si Tita Odet like me, kaya nagkasundo kami sa usapang libro. Hahah! )
Ayyy grabe yan na lang natandaan ko. Sana tama. Hahah! Nakakalito sobra e.
I'll cut it here. Abangan ang susunod na kabanata. ;)
No comments:
Post a Comment