Sunday, September 4, 2011

Papa! ;)

Nakakadepress lang. Kasi di ko makakasama si Papa ko sa birthday niya. Ilang oras na lang tatanda na naman sya. ;( Worst, di ko pa sya kasama. Kamusta naman diba? Hmmm. Nung ginagawan ko sya ng vid kanina, naiiyak ako, kasi naalala ko nung bata pa ako, pag inaasthma ako, nilalabas ako nyan para mahanginan. Tapos minsan maaga kami sa Manila Bay para mafeel ko yung breeze ng dagat. Pag yun nagawa na nya, nawawala na asthma ko. Super effort si Papa grabe. Kaya naiiyak ako, tapos minsan kapag sinesermunan nya ako, nagdadabog ako. Aha, kunsensya Jho. Yun yan. Tapos inaaway ko lahat ng nang aaway sa kanya. Tapos sasabihin nya sakin, anak wag ganyan, di maganda e. Hayaan lang natin. Tapos ako parang, no Pa! Not in any way! Kung may mangaaway, sasali ako. Anak mo ko e. Ayun, ako inaaway ko sila, tapos wala lang, parang walang ginawang masama lang e. Yung kapitbahay kasi namin dun, mga epal e. User lang. Hehehehe. Sapul sapul din. ;) E inggit sa Papa ko yata. EWAN. Hahahaha. 

Sana makasama namin sya. Uwi ka na Pa! ♥ Iloveyou! Advance Happy birthday! :*


Eto kami noon, ako payatot, sya ang taba. Hahahahahah!


At bumaligtad na ang aura ng katawan naming mag ama ngayon. ;)




Eh basta, kahit na sino pa sa amin ang mataba, wapakels is me. Sa pinaka mamahal kong lalaki sa buhay ko, Happy 99999th birthday Papa! Joke. Mahal na mahal kita. ♥

No comments:

Post a Comment