Saturday, September 10, 2011

Storyline.

    Simula’t Sapul
      Jhoanna Marrie S. Delima

Mga Tauhan:
                Angelo- 16, May pagka suplado. Gwapo. Mabait.
                Maryan- 15, Lihim na may pagtingin kay Angelo. Honor student. Maganda.
                Crissa- 17, girlfriend ni Angelo. Matalino. Mabait. May sakit sa puso.
                Jellie- 15, bestfriend ni Maryan. Girlfriend ni Rico
                Rico-  16, bestfriend ni Angelo. Sutil. Prangka.
                Reizel- 5, anak ni Gelo at Crissa. Malambing. Bibo.

Buod:

                Matagal ng may lihim na pagtingin si Maryan kay Angelo. Elementary pa lang, crush na crush na niya ito. Mas lalong lumalim ang pagmamahal ni Maryan kay Angelo nang maghigh school na sila. Hindi alam ni Maryan kung ano ang nagustuhan nya sa binata. Dahil dito, hindi na maitago pa ni Maryan ang nararamdaman kay Angelo. Iniisip nya na babae sya, at hindi magandang tignan kung sya ang mauunang magsasabi sa mga nararamdaman nya. Kaya naman hanggang tingin lang muna sya kay Gelo. Mabait si Gelo, gwapo, at matalino. Sa sobrang paghanga kay Gelo, naging malapit ang loob ni Maryan sa bestfriend ni Gelo na si Rico. Nasabi ni Maryan ang tungkol sa nararamdaman nya kay Gelo, pero sinabihan sya ni Rico na hindi sya type nito. At may ibang babaeng nagugustuhan ngayon si Gelo. Ngayon ay alam na ni Maryan na nakaramdam si Gelo na may gusto sya dito.

                Nang marinig ni Maryan ang mga salitang ito, aminado syang kailangan na nyang talikuran ang maling pag ibig nya kay Gelo. Dati nga ay nakita nyang nakatitig sa kanya si Gelo, pero binawi agad ito ni Gelo, sa tingin nyang iyon, si Maryan na yata ang pinakamasayang babae sa buong mundo. Pero naisip nya, may nagugustuhan na itong iba, at dapat na nya itong kalimutan. Dumating nag oras na kinatatakutan ni Maryan, naging opisyal na ang relasyon ni Gelo at Crissa. Nalungkot sya ng sobra, umiyak ng umiyak. Dito naging kasama ni Maryan si Rico at Jellie, na magkarelasyon din. Naiingit si Maryan dahil hindi nauwi sa maganda ang pagmamahal nya kay Gelo. Lumipas ang mga araw, dinala ni Gelo sa kanilang school ang kanyang girlfriend. Nang malaman ito ni Maryan, naiyak sya, at nasaktan ng sobra. Pagkatapos nyang magiiiyak sa banyo, lumabas na sya. Naisip nya sa dapat ipakita nya kay Gelo na kinaya nya. Nakita sya ni Crissa, at nakipag kaibigan si Crissa sa kanya. Hindi makatanggi si Maryan kay Crissa, dahil napaka bait nito. Wala namang nagawa si Gelo, at nang lumaon, naging malapit sa isa’t isa si Crissa at Maryan.

                Sadyang napakabilis ng panahon, at nakagraduate na ang tropa nila Maryan at Gelo. Hindi rin nagtagal ay nakatapos na din sa kolehiyo ang barkada. Hindi man naging matagumpay ang pagibig ni Maryan kay Gelo, umaasa pa rin ito. Nagpapakatanga sya kay Gelo, kahit matagal na itong kasal kay Crissa. Sa dahilang hindi nila malaman, hindi na nakipagkita pa kay Maryan si Crissa, at nagtaka ditto si Maryan. Naging masaya naman ang buhay ni Maryan kasama si Jellie at Rico. Si Maryan na lang yata ang hindi naikakasal sa buong batch nila. Pero aminado syang masaya sya kahit di pa sya naikakasal. Kuntento at sobrang masaya si Maryan sa buhay nya kahit nagiisa sya. 24 na sya, at wala pa din balak magkasal. Masaya syang nagtuturo sa mga bata na matagal na nyang gustong gawin at naging propesyon naman nilang dalawa ni Jellie. Si Rico naman, manager na ng kumpanya.

                Unang araw sa eskwelahan, at nais makilala ni Maryan ang mga estudyante nya. Nakilala na nyang lahat, at nang makarating na sa huling estudyante, hindi na ito umabot dahil oras na ng uwian. Tuwang tuwa sya sa batang babae, pero di na natanong ni Maryan ang pangalan nito. Alas syete na ng gabi, at pauwi na si Maryann g marinig nyang may umiiyak na bata, natakot sya, pero nilakasan ang loob na tignan kung ano iyon. Si Reizel pala, ang batang estudyanteng cute na cute. At yun ang estudyanteng kinatutuwaan nya. Inihatid nya ito sa bahay nila, dahil hindi pa ito nasusundo ng tatay nya. Nagkakwentuhan ang dalawa, dun nalaman ni Maryan na namatay pala sa sakit sa puso ang nanay nito. Nagiisang anak din ang bata. Nilambing ni Reizel si Maryan na dun na kumain sa bahay nila. Para makita na din ang ama nito at makapagpasalamat na din. At nasunod naman ang gusto ni Reizel.

                Sobra ang pag aalala ni Gelo sa anak nya ng sabihin ng sundo ni Reizel na wala na ito sa eskwelahan nya. Hindi na alam ni Gelo ang gagawin, nang may bumusina sa tapat ng bahay nila. Sa sasakyan, natanong ni Maryan kung ano ang pangalan ng nanay at tatay ni Reizel. Sinagot naman ito ng bata. Gelo Yang at Crissa Rivera. Gumuho ang mundo ni Maryan ng marinig ang pangalan ng dalawa. Hindi rin ny lubos maisip na namatay na pala si Crissa. Ayaw lumabas ni Maryan sa kotse, at hinila pa sya ni Reizel. Sumigaw si Reizel sa ama nya, at sa wakas, nagkita na ang dalawa. Nagulat si Gelo sa nakita, dahil ang laki ng pagbabago ni Maryan. Nakaramdam ng saya at galak si Gelo. Si Maryan naman, naluluhang kinikilig. Hindi na sinayang ni Gelo ang oras na iyon na maipagtapat ang tunay na nararamdaman nya kay Maryan, dahil natorpe ito noong mga highschool pa sila, at si Crissa ang nagturo sa kanya na kung makita man ni Gelo si Maryan, pakasalan nya na ito, dahil si Maryan naman talaga dapat ang nasa pwesto nito. Ginamit lang ni Gelo si Crissa para masabing may girlfriend ito, dahil ayaw pa ni Gelo noon na magka girlfriend. Makalipas ang dalawang taon, naging masaya ang buhay nilang dalawa. Ngayon ay alam na ni Maryan na may kapalit lahat ng paghihintay na ginawa nya. At hindi sya nagsisisi na hindi sya tumigil sa pagmamahal kay Gelo. Sa bagong buhay kasama si Maryan, ipinakita ni Gelo ang lahat para maiparamdam kay Maryan kung gaano nya ito kamahal.

SAKIN YAN. HAHAHAHAH. :"> PWEDE NG PANG NOVEL!

No comments:

Post a Comment