Thursday, November 29, 2012

Paranoid? Hindi rin.

Kasi naman, aminin natin. Sa isang relationship, hindi maiiwasan ng babae na hindi isipin yung naging past ng boyfriend nya ngayon. Tapos tong mga lalaki naman, sasabihan pa ng paranoid yung babae. :| Hello? E minsan kasi naiisip din ng mga babae;

  • Masaya kaya sya sakin? Gaya nung sa ex nya dati?
  • Mahal nya kaya talaga ako? Gaya nung sa ex nya dati?
  • Kapag kasama nya kaya ako, pakiramdam ba nya kasama nya pa rin yung ex nya? O baka napipilitan lang sya kasi ako yung girlfriend nya ngayon?


Punyeta. Yan lang masasabi ko. Am not saying na lahat ng babae, ganyan. Minsan nga, iiyak na lang yan ng walang dahilan. Sasabihin nya dun sa nagtatanong sa kanya, "Wala, sakit ko kasi na umiyak ng walang dahilan." Pero deep inside, pinapatay ka na ng kagagahan mo, sarili mong kagagahan kakaisip sa naging buhay mag- jowa nila noon.

Aminin din, na minsan naiisip natin na dapat, mas angat tayo kesa dun sa ex. :D do I sound sooo mean? Not really I know. 

Boys, sana maintindihan nyo kung bakit minsan, napaparanoid yung mga girlfriend nyo. Di nyo kasi naiintindihan, na sobra lang nila kayong mahal kaya sila nagkakaganun. Ayaw nyang mawala ka sa buhay nya, syempre kapag nangyari yun, mababaliw yan. Tatahimik lang saglit, pero mamaya magpapalahaw na sa iyak. 

Boys, iparamdam sa girlfriends nyo na wala ng dapat pagselosan pa. Minsan kasi kaming mga babae, nakakapatay ng kapwa babae sa pamamagitan ng sumpa. Ikaw din. ;)

No comments:

Post a Comment