Friday, August 31, 2012

Popoy

Aha, I knew what this feeling mean. Yung feeling na nararamdaman mo yung sakit ng nafifeel ng character sa film, and I became the camera to capture what does the character feel in the story. Sorry ah, pero ramdam na ramdam ko lang talaga yung sakit na nafeel ni Popoy sa One More Chance. Nung iniwan sya ni Bash, ako pakiramdam ko iiwan din ako ni Chil. Nung umiyak ng sobra si Popoy dahil kay Bash, ako pakiramdam ko ganun din mangyayari sakin kapag nagkalabuan kami ni Chil. Shet. Bakit ganito nafifeel ko?

Malamang at sa malamang, pag nalaman to ni Chiles, straight face na naman yun. Kasi ayaw nya ng ganito ako. Ayaw nya ng malungkot ako dahil sa mga kagagahang naiisip ko. Ayaw nyang balikan yung mga bagay na di naman na dapat pang balikan. Ang gusto nya, yung nakafocus sa present. Sa mga dapat na mangyari. :)

Kaso ako naman tong si bobits, napakatanga para isipin lahat ng yan. Do not get me wrong. I trust Chil. He's always assuring me na ganito ganyan, at nararamdaman ko naman na talagang totoo. Pasensya na sa kagagahan ko ngayong araw. Sana wag mangyari sakin yung nangyari kay Popoy. ;)

No comments:

Post a Comment